Endless Emotions......

Emotional. Sensitve. Ambitious. Simple. God-fearing. Loyal. Cry-baby. That's me!!!!

Thursday, October 26, 2006

kumusta naman ang blog ko?

kumusta naman nga talaga ang blog ko? hindi na pwedeng mag-tag ang mga tao dahil wala na yung chatter box ba yun? hindi ko naman alam ayusin dahil hindi ako marunong gumawa ng mga ganung bagay. may gumawa nga lang ng blog ko eh... sinong mabait dyan? paki-ayos naman ng blog ko.. hehe!

Happy sembreak to all!!! (.^_^.)

kung gagraduate ako ng april...

Malapit na ang graduation. Its just seven months away. Sa September 23 na nga ang sched ko for grad pic e. Pero until now, hindi ko pa rin alam kung anong mangyayari sa buhay ko after kong kunin ang diploma ko. Ayaw ko namang mag-take ng LAE dahil ayaw kong mag-Law. Di lang yun ang pwedeng gawin ng isang PolSci major after grad. Pero sa totoo lang, di ko alam ang direksyon na tatahakin ko. Gusto kong magtrabaho na for my family. Ayaw ko ng magtrabaho sa ibang bansa si Tatay. Gusto ko na siyang makapagpahinga at akuin ang lahat ng responsibilidad. Ang tanong, kaya ko naman kaya? May dalawa pa akong kapatid na nag-aaral. Buti na lang scholars sila kaya di masyadong problema yun kung saka-sakali. Pero, kaya ko na nga ba? Hay!!! Misan iniisip ko na lang mag-asawa na after kong grumadweyt. Gusto ko Swedish national para di ko na poproblemahin ang future ko at ng family ko. At least yun ay instant na pagyaman. Pero kaya ko bang magpakasal sa taong di ko naman mahal? Kung utak ang tatanungin, syempre naman, oo! Madali lang yun. Hehe! Pero mukhang di ko ata kaya. Lagi ko ring sinasabi sa mga orgmates ko na isang dahilan kung bakit gusto ko ng magpakasal after grad ay dahil gusto ko ng isang dosenang anak! Yep, ISANG DOSENANG ANAK! Kaya dapat ngayon pa lang, nagsisimula na ako. Hehehehe! Hindi ito biro. Gusto ko talaga ng maraming anak kung kaya rin lang naming buhayin sila ng magiging asawa ko. Mukhang masaya yun. Tatlo lang kasi kaming magkakapatid kaya parang gusto ko ng malaking pamilya. Ang dami ko ng balak gawin after grad noh? Pero palagay ko, walang mangyayari sa mga to. Dahil, kumusta naman? Wala pa nga akong lablayp e.
Siguro ang pinakamalapit kong gawin pagkatapos kong mag-babu sa UP ay magtrabaho o mag-aral ulit. Gusto kong makakuha ng Master's Degree sa ibang bansa. Ayaw ko ng mag-aral sa UP. Nosebleed masyado. At ayoko ng makita si Sir ...... Sabi nga ni Sir Arugay, maraming opportunities abroad especially sa Europe. Kung gusto naming mag-aral ulit 'wag sa UP!!! At dahil love ko si Sir Arugay (who is only 26 y/o! Therefore, 6 years lang agwat ng edad namin) susundin ko ang payo nya. Wehehehe!

pasko, paksiw!

I really don't know why everytime I hear Christmas songs being played on the radio I get lonely. Time flies so fast. It's Christmas season again. Parang kailan lang nung busy-busyhan akong bumibili ng mga pangregalo. Parang kailan lang din nung nagtitinda ako ng paputok at ninakawan ako ng mga street children at habulin sila sabay kuha sa mga kinuha nilang paputok. Haha! Ang dami ko talagang experience sa pagtitinda ng paputok. Naroon nga yung ninakawan ako, niloko ako ng mga "Lilituin kita Gang", binola-bola ng mga customers para lang makatawad, magpa-cute sa mga gwapong customers, at bisitahin araw-araw ng aking kaibigang taong grasa na hinihingan ako lagi ng piso. In fairness, magandang experience talaga yun dahil nahahasa ang aking marketing skills. Hehe! Di ko lang alam kung this year e magiging tindera ulit ako. Busy-busyhan kasi nyan ako sa aking acads. 21 units pa ako. Kailangang kumayod para grumaduate on time. Pero susubukan ko pa ring magtinda. Sayang ang opportunity na makakita ng mga customer na gwapo at mayaman. Baka isa pala sa kanila ang aking soulmate (asa pa ako!) Hay, hay, hay! Pasko na!!!! Batiin nyo ko nun ha? Ako ngayon pa lang babatiin ko na kayo.
Merry Christmas! (.^_^.)

sembreak at acads!

Yehey, sembreak na! Nabilisan ako sa sem na ito pero, matagal ko rin siyang hinintay. Hehe! Yung tipong, tapos na pala ang sem, pero parang ang tagal ko siyang inasam na dumating. Ang gulo, di ko ma-explain nang mabuti. Basta ang masasabi ko lang e walang kwenta ang sem kong ito. Di ko na sasabihin kung bakit dahil ayaw ko ng maalala pa kung bakit. Kapag naiisip ko lang ang bagay na iyon, it only gives me the desire to go to Sarahs or Drews! Yun na lang kasi ang tanging paraan to get over that thing and move on. I thought after a month, I will be okay. Pero hindi pa rin pala, it still haunts me. I can still see his Professor Snape-like face. Actually para nga siyang si Professor Snape in real life. As if he’s celebrating everytime he sees students suffer because of him. (Zen. Zen. Zen move on!) Okay, okay… Anyway, how I wish I’ll pass Sir Alburo’s final exam. Syet! As in syet sa hirap! Dapat mag-ayos ayos siya at maawa sa akin dahil pag nagkataon 24 units ako next sem. Mukhang pag nangyari yun, mawawalan na ako talaga ng pag-asang grumaduate on time. Kainis naman kasi yung mga taong niyayaya (hinihikayat) akong grumaduate ng first sem next year at kasabay nila. Haler! Wag naman sana silang magdilang demonyo di ba? Kahit sabihin nilang biro lang yun, hindi maganda sa pandinig ko kasi gusto kong grumaduate next sem, as in next sem! May time-table akong sinusunod kaya dapat mangyari lahat ng pinaplano kong mangyari.

*Dahil sembreak na, dapat mag-enjoy muna tayong mga estudyante sa ating mga buhay. Dapat huwag munang isipin ang acads tulad ng mga naisulat ko sa taas. Magbalak na lang na magbakasyon o kahit mamasyal lang somewhere. Kung meron sa inyo ang nagbabalak pumunta ng Puerto Galera o kahit sa Enchanted Kingdom man lang, sabihan nyo naman ako dahil gusto kong sumama. Hehe! (.^_^.)

**Ang tagal ko ng isinulat to ngayon ko lang na-post dito, hehe!

Thursday, August 31, 2006

Ang Pagtatapos....

Iba talaga ang epekto ng depresyon sa tao. Maraming mga bagay ang gumugulo sa iyong isipan. Mga bagay na pagkagising at bago matulog ay siya laging laman ng iyong isipan. Minsan hanggang sa panaginip ay nasasaklaw pa nito. Mahirap. Masakit. Malungkot. Madilim. Nakakapagod. Gusto mo na lang sanang iiyak pero ubos na ang likidong tumutulo sa iyong mga mata. At kung meron pa ring luluha, wala naman iyong magagawa, wala rin namang magbabago.
Mahirap na desisyon ang aking hinaharap. Ilang linggo ko na rin itong pinag-iisipan. Para akong unti-unting pinapatay. At eto na nga ako ngayon, malapit ng sumuko. Sumuko sa isang laban na wala na akong magagawa. Isang laban na nagbibigay sa akin ng lungkot, hirap at kapaguran. Wala na akong lakas para ilaban pa ito. Kung gyera ito, wala na akong bala. Kung sugal naman, wala na akong ipantataya. Pag pinagpatuloy ko pa, para ko na ring pinatay ang sarili ko. Para na rin akong nalubog sa malaking pagkakautang. Mas mabuti na ngayon pa lang ay sumuko na ako at tanggapin sa sarili ko na wala na. Wala ng pag-asa. Mas mabuti na ngang sumuko ako kaysa tumalon ako sa bangin na walang kasiguruhang may sasalo sa akin. Ayoko pang mamatay. Dahil ito'y hudyat ng kawalan ng pagkakataon para makabawi. Ang aking pagsuko ay di nangangahulugan na ako ay mahina o tapos na ang lahat. Bagkus isang bagong bukas ang naghihintay para sa akin. Isang bagong bukas na may kalakip na pag-asa. Pag-asang magpapagaling sa katawan at isip kong baldado na.

Sunday, July 30, 2006

Away from the Light (part 2)

While I was in front of the computer monitor and listening to my Coldplay cd, I’ve realized something: (“I wonder what it’s all about…”) I’m starting to get depressed. I’m tired. It's like I have given everything and yet I feel unappreciated. I’m just human, I’m not perfect. I learned to love it but it is still not enough. I’ve been through many sleepless nights. Sleepless nights which have caused me gigantic pimples and whopping eyebags. Still, he’s not yet satisfied. I don’t know what to do. I want to cry but I can’t. It’s difficult for me to accept the truth that I could fail. I could fail something that I’ve worked hard for. (“Yeah, it’s the hardest part..”) I’ve given my best to something and with someone but he doesn’t seem to notice it. What else do I have to do? (“Nobody said it was easy. It’s such a shame for us to part. Nobody said it was easy. No one ever said it would be this hard. Oh, I’m going back to the start…”) I’m lost. I’m nowhere to find. Even I could not find myself. Even I don’t know where I am…

Away from the light (part 1)

I cared. I was hurt. I took risks. I failed. I sacrified. I lost. I hoped. I gained nothing. Yet, I kept loving until every piece of me was broken. Love kills. It killed me.

The (Poltical) Scientist

"Nobody said it was easy, it's such a shame for us to part
Nobody said it was easy, no one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start..." This is from my current favorite song, 'The Scientist' by Coldplay. And this is what I feel right now regarding my PolSci 199 under Dr. Morada. ='(

Thursday, June 22, 2006

10 Things I MUst Do Before I Graduate and Leave UP!!!!

10. Makapag-jogging na sa acad oval.

9. Makapasok sa mga colleges o buildings na hindi ko pa napapasukan (eg. CHE, MBB, Villadolid Hall).

8. Makakain sa chocolate kiss at sa lahat ng canteen sa UP.

7. Magpapapicture sa AS Steps, Sunken Garden at kay Oble (right after grad na itong kay Oble, natatakot ako sa curse niya!).

6.. Makapanood na ng Oblation Run! Hehehe!

5. Makapanood na ng Cheerdance Competition. >U-nibersidad ng Pilipinas! Matatapang, MATATALINO!!!<

4. Pumunta at manood na sa UP Fair.

3. Ma-memorize ang 'UP Naming Mahal' (kakahiya naman sa graduation pag di ko pa ito alam).

2. Makapag-RA man lang sana ako (Mara, ngayon pa lang, nag-aaply na ako...).

1. Higit sa lahat, magka-boyfriend na taga-UP! Wehehe! *wink*

Sunday, April 09, 2006

Anong title nito?!

2nd sem 05-06 is finally over!
Hay, salamat! Tapos na rin ang 2nd sem na talagang dinugo ako sa utak sa sobrang hirap. Pasado naman lahat ng grades ko (yung apat lang actually dahil wala pa yung dalawa) kahit mababa lang lalo na sa 103 pero thankful naman ako kay sir morada! I love him!!!! Akala ko talaga may ibabagsak ako last sem dahil pinagsabay-sabay ko ang mga majors tapos aplikante pa ako ng Aguman. Pero buti naman nakayanan ko lahat. Thank God!

Summer na!
Ngayong summer, may bagong hamon na naman sa buhay ko: una, wala akong nakuha sa crs kaya kailangan kong magmanual sa enrolment, mali pala, magpprerog ako kina sir baylon at sir tigno; pangalawa, kailangan ko ng harapin ang isang mabigat na responsibilidad, secretary na ako ngayon ng APSM. Nararamdaman ko na ang bigat ng trabaho. Wish ko lang makayanan ko. I'm sure magbabago na takbo ng buhay ko nito. Pero kakayanin ko dahil ginusto kong pasukin ito.

Social Abstraction=LOVE
Hay naku! Paano ako makakaporma sa kanya e di siya naniniwala sa love. Yup! di siya naniniwala dito. Pero I looked at the brighter side naman, kung di siya naniniwala sa love, ibig sabihin wala siyang gf! Ibig din sabihin, wala lang yung girl na kasama niya sa wallpaper ng laptop niya, as in wala lang! Well, sana nga lang di ba? Nung minsan katext ko siya na hindi niya alam na ako ang katext niya, eto and sinabi ko, "Why did I not maximizae my chances when I had the opportunity?" Biglang sagot niya sa akin ay "What chances and opportunities are you talking about? If that's about love, forgive me, but I don't believe in that social abtraction." At in fairness, buo siyang magtext kapag english. Siyempre, nabigla talaga ako sa tinext niya sa akin at bigla akong nawalan ng pag-asa. Paano pa ako magkakaroon ng chance sa kanya? Wait lang, bakit nga ba ako nagkakaganito? Siya pa lang ang pangalawang taong tinetext ko na nagpapanggap ako. Una ay si Ricky (FYI, first love ko!). Ibig bang sabihin mahal ko na rin siya? Di pwede. Ayaw. Di pa ako handa. Besides di ko pa naman siya ganun kakilala. Di man lang nga kami friends e. Ay, basta, di pa pwede! Ang alam ko lang napapangiti niya ko kapag naiisip ko siya, that's it. Kung ano man ang nararamdaman ko, kailangang pigilin muna. Bakit? Dahil naghihintay na ang mapapangasawa ko sa Sweden. Yeah!

Kanta ko sa kanya:

Fall For You by Nina

There's a right or wrong to know for everything
And the truth is somewhere written in between
But there's always something missing in the dark
Until you find the true condition of the heart
Well, I can visualize the pieces of a dream,
But it's not as far away as it may seem
But if truth be told, it's you that holds the key
To the question that defines my destiny
::chorus::
I've been in love, a time or two
I've seen the world, but not with you
I wanna fly and spread my wings
I don't wanna cry, I wanna sing
I wanna live and take a chance
I'm not afraid to love again
I wanna fall, fall for you
And I want you to fall for me too
I've had plenty conversations with my heart
Coz I want this thing to work, not fall apart
So, I ask my heart how it can be so sure
And it answers me because your heart is pure
I've got every expectation that is true
Coz my heart won't lie to me, much less to you
But if truth be told, it is you that holds the key
To the future that becomes our destiny
::chorus::
Until the mountain snow melts into the stream
My heart flows like the river to sea
To the heavens up above,
I pray to God our destiny is love
::chorus::




Wednesday, March 29, 2006

Wala lang..

Hay naku after 48 years nakapag-post ulit ako sa blog ko! Pero musta naman at nag-nenet ako ngayon e may exam ako buka s ng 110. Pasaway na bata talaga ako!!! Dapat din sa mga oras na ito, nagbabasa ako ng mga articles na rereviewhin ko for 170 o kaya naman e gumagawa ako ng case digest.. Hay! Nakakasawa na kasi ang mag-aral, parang nitong buong sem wala akong ibang inatupag kundi mag-aral dahil mabibigat ang mga subjects ko. Pasaway pa ang 103 dahil sa panghuhula ng grade ni mam_____!!!
Pero kahit mabibigat ang mga subjects ko, happy pa rin ako dahil pumapasa at nakakayanan ko naman sila. plus, as in plus, may nagpapangiti pa sa akin. Take note, nagpapangiti pa lang sa ngayon.. Summer na! Sana maging classmate ko ulit siya para naman masaya ang buhay kahit summer. Ito lang masasabi ko sa ngayon, goodbye spiderman, hello NARUTO!!!!Ü

Monday, January 09, 2006

Ang buhay, parang life!!!

Kumusta naman?
Hindi ako makapaniwala na last november pa pala ang last post ko dito! Ganito na ba ako ka-busy sa buhay? Marahil.... Sobrang bigat ng acads ko this sem, tapos nagawa ko pang mag-apply sa aguman! Hay!!!! Buhay talaga, parang life.... Kumusta na ba ang buhay ko? Actually, hindi ko masagot ang napakasimpleng tanong na iyan..

Just when I thought I was over him...
Akala ko, ako lang ang nagdadrama para sa buhay pag-ibig, marami pala kami. Marami pala kaming nag-aakalang naka-move on na pero sa totoo lang, hindi pa. Bakit ko ba kasi siya nakita ulit? Kung kailan hindi ko inaasahan saka nangyari. Akala ko sinong tumatawag sa akin siya pala. Oo, siya! Ang lalaking una kong minahal... Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong na-realize na may pagtingin pa rin ako sa kanya. Importante pa rin siya sa buhay ko. Mahal ko pa rin siya. Pesteng puso ito! Bakit ba hindi nag-iisip!?

Nasaan na ang Pasko?
Dumaan ang pasko at new year pero parang hindi ako masaya. Hindi ko maramdaman ang diwa ng pasko. May lungkot sa aking puso na hindi ko maipaliwanag kung ano. May nagbago sa buhay ko, malaki, at natatakot ako na baka dumating ang isang araw, hindi ko na kilala sarili ko.

For you...
Marahil hindi mo alam kung sino ka pero balang araw malalaman mo rin ang tunay kong nararamdaman para sayo. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sayo dahil hindi ko pa kaya at siguradong may magbabago. Maraming salamat sa pagbibigay sa akin ng inspirasyon at saya. Nasaktan na ako ng isang beses. Pero ipinadama mo sa akin na kahit may posibilidad na masaktan ako ulit, ayos lang. Tama, ayos lang basta ikaw. Kahit saktan mo ako ng paulit-ulit nang hindi mo nalalaman, ayos lang. Mahalaga ka sa akin e.. Maraming salamat dahil pansamantala kong nakalimutan si ricky dahil sayo. Tandaan mo, espesyal ka sa akin at hangga't kaya ko, mananatili kang espesyal sa akin. Masaya na ako sa sitwasyon natin ngayon. Magkaibigan.